Mildred Bacud
Tinanggi ni Gabbi Garcia sa pamamagitan ng kanyang tweet na hindi totoo ang tsikang lilipat na siya sa Kapamilya network.
“Nope, not true,” pakli niya sa akusasyon ng netizen na bakit isinama pa siya sa Christmas station ID ng GMA 7 samantalang lilipat na raw siya sa Kapamilya.
Noong Marso pa ay napabalitang mago-ober da bakod na siya dahil sa tweet niyang “How to make the right decision.” Inakala nilang tungkol ito sa kanyang career.
Pero nakagawa pa siya ng seryeng “Pamilya Roces” na kamakailan lang nagwakas.