SI Gabbi Garcia ang unang cover ng Mega Style, ang digital platform ng magazine na maglalabas ng una nitong print copy sa Oktubre.

Lilipad papuntang Nice, France ang Kapuso It Girl para doon mag-shoot ng cover photo at spread sa Mega Style. Diva level!

https://www.instagram.com/p/BVv9b9mg9Dw/

Pinamagatang ‘Making Mega in France with Gabbi Garcia’ ang natu­rang project.

Si Gabbi ang susunod na bigating fashion icon ng kanyang henerasyon.

***

Balik primetime si Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood Book 2.

Aniya, “Nakaka-miss ‘yung cast, ‘yung creative people, at siyempre nakaka-miss ‘yung character ni Pepe.

“Timing na timing talaga na magkaroon ng karugtong ang istorya.
“Kasi, kahit ako, nabitin sa last scene ng Season 1.”

Kung ang Season 1 ay umikot sa pagmamahal sa pamilya at kapwa, sa Season 2 ay level up at mas maaksyon ang serye. “‘Yun ang isa sa mga mensahe na gustong iparating ng Season 1.

Nga­yong Season 2, magkakaroon naman ng strengthened vision kumbaga ang ating programa,” kuwento ni Dingdong.