ENJOY na enjoy­ si Gabbi Garcia sa France kung saan nag-photo shoot siya para sa isang local magazine.

Panay ang post ng dalaga ng updates sa mga lugar na napupuntahan niya roon.

Nakaka-good vibes ang kanyang bright smile.

Aniya sa Instagram, “The moment I saw the Eiffel ­Tower, I got so emotional.

It took a while before I actually convinced myself that I really am in Paris.

“I felt so fulfilled as an 18 year old. It proves that anything is possible if you really believe in your own capabilities. To the MEGA team, I admire how you guys work. Thank you for the trust.

“Thank you for giving me this opportunity to see how far I could go as a model/­artist, and for giving me that push to step out of my comfort zone.

“I’m glad to have spent my first time in Paris with all of you. OCTOBER, here we come.

Much love and all the best.”

***

Gabby Eigenmann
Gabby Eigenmann

Buktot ang karakter ni Gabby Eigenmann sa My Love From The Star bilang Jackson, pero sa totoong buhay ay lovable siya at natural na masayahin.

Nakaka-good vibes ang posts niya sa social media, huh?!

Kwela ang Instagram story niya sa tulog photos ng kanyang co-stars.

Unang-una si Migo Adecer na hindi pa full batt. Sunod si Gil Cuerva na tila full charge na from his sleep.

Hindi nakatakas si Renz Verano sa kakulitan ni Gabby.

Beyond full charge ang tulog na tulog na si Christian Bautista.

Trending!

***

Isa na namang nakakatuwang kuwento ang ilalahad ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa Daig Kayo ng Lola Ko nga­yong Linggo sa GMA 7.

Istorya ito ng tatlong biik na magkakapatid — sina Porky (Boobsie), Babsky (Cai Cortez) at Tabsky (Maey Bautista).

Umalis na ang tatlong biik sa piling ng nanay nilang baboy para bumukod at gumawa ng sari­ling buhay at bahay nila.

Kani-kanya ng diskarte ang tatlong biik.

Ang tibay ng kanilang bahay, masusubukan ni The Big Bad Wolf (Ryan Eigenmann).

One Response