Gabbi Garcia feeling entitled na millennial?

SABI nga namin, walang-duda na si Gabbi Garcia ang isa sa talagang pinagkakatiwalaan ng GMA network sa iba-ibang field.

Hindi lang siya sa pag-arte, now that may bago silang primetime series ni Ruru Madrid ng 2018, ang Sherlock Jr., dahil into music, fashion and all din siya.

View this post on Instagram

#ForeverChuck @converseph @converse

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi) on

At bilang millennial, ‘it girl’ sinakop na rin ni Gabbi ang online.

“It feels so great po to be sitting beside Sir Atom and Sir Joseph. It’s always so nice naman po and positive.

“It’s nice to explore different angle and especially here sa GMA news sobra akong bilib sa news natin. It’s also a learning process to me.”

Feeling lucky nga raw si Gabbi na nagkakaroon siya ng chance na makapag-influence ng ibang tao, lalo na ang fans niya.

“I can able to speak my mind. Yung konting millennial somehow listen to me so I have the privilege that I should take care of. Through this show, I can share my thoughts and my experience also.”

Hindi raw madya-judge ni Gabbi ang lahat ng millennial at nagsasabing ang mga millennial ay feeling ‘entitled’. Or ‘yung iba, parang sarili lang ang iniintindi.

Sey nga niya, siya raw bilang millennial ay working really hard, nagtatrabaho siya to also help her family.

“I don’t think that we should judge millennials easily dahil lahat sila may kanya-kanyang istorya.”