Gabbi Garcia nakipagkabugan ng ganda sa American model na si Gigi Hadid

In fairness kay Gabbi Garcia, hindi nagpahuli ang ganda niya sa tabi ng American fashion model na si Gigi Hadid. Nagkasama nga sa isang event sa Tokyo, Japan sina Gabbi at Gigi, at hindi pinalampas ng dalaga ang makapagpa-picture sa sikat na modelo.

“GG meets Gigi. So beautiful and accommodating! @gigihadid thank you,” sabi ni Gabbi.

Marami ang nainggit, natuwa, pero may iba pa rin talaga na sadyang pasaway, at hindi masaya sa nakikita nilang tagumpay, achievement ng ibang tao. May nanlait nga na kesyo nagmukhang ‘alalay’ raw si Gabbi sa tabi ni Gigi.

Hello naman, ang kagandahang Filipina ni Gabbi ay hindi matatawaran. Mula sa kulay at pagiging fashionista, at kaseksihan na rin, puweng-puwede siyang pantapat kay Gigi.

Well, deadma na lang si Gabbi sa inggit ng bashers. Na dapat lang naman, dahil kahit kalian, hindi naman mararanasan ng bashers na `yon ang mga nararanasan niya, lalo na ang encounter nila ni Gigi.

ABS CBN TVplus mamigay ng bahay at lupa

Bilang pasasalamat sa walang-sawang suporta ng pamilyang Pilipino sa ABS-CBN TVplus, handog nila ngayong 2018 ang isang Masaganang Pa-Thank You promo kung saan apat na maswerteng ABS-CBN TVplus users ang mananalo ng house & lot mula sa Lumina Homes.

Mamimigay rin ang ABS-CBN TVplus ng 1,200 MyPhone myA8 DTV smartphones, 50 na Octagon gift certificates na tig- P4,000 at 120 na gift certificates mula sa Boardwalk na tig-P4,000.

Ang electronic raffle na ito ay bukas sa lahat ng mga TVplus users, luma man or bago, mula January 25, 2018 hanggang May 27, 2018. Napakadali sumali. I-text lang ang JOIN(space)//

sa 2366. Ito ay open to all networks.Magkakaroon ng apat na monthly draws kung saan maaaring mapanalunan ng mga TVplus users ang mga exciting na pa-premyo. Abangan ang mga monthly draws sa February 26, 2018; March 26, 2018; April 30, 2018; at May 28, 2018.

Isang beses lamang maaaring ma-register and isang TVplus Box ID at bawat isang successful registration ay katumbas ng isang raffle entry. Isang beses lang maaaring manalo ang isang registered na TVplus box ID.

Ang ABS-CBN TVplus o ‘mahiwagang black box,’ ay isang digital box na nakakasagap at ibinu-broadcast ang lahat ng available na digital signals sa TV. Dahil dito, mas maraming pamilyang Pilipino ang nakakapanood ang kanilang paboritong TV shows ng mas malinaw at klaro.

Mag-log on sa www.abs-cbntvplus.com o kaya sa official Facebook page ng TVplus para sa karagdagang impormasyon.