Ang karibal ni Sofia Andres sa highly contested na titulong starlet of the highest order, si Gabbi Garcia, iba ka rin sa payanig, huh.

Ang babaeng ni hindi nakilala at walang pumalakpak o sumipol man lang sa isang pagmalakasang fashion and underwear event may paliwanag kung bakit stop in the name of love na ang team up nila ni Ruru Madrid. Nagpaliwanag pa talaga, huh!

Ngayong sa iyo na mismo na tapos na ang inyong team up, mas maraming­ tuwang-tuwa. Neng, hirap na hirap si Madrid na dalhin ka sa totoo. Ngayon lang yata may love team na mas may potential sumikat ang kaparehang lalaki kesa sa kaparehang babae.

HIndi ka kawalan ni Ruru. Ready na talaga ang binata ever since for stardom na hindi ko talaga maarok kung bakit tila hirap na hirap ang kanyang pamunuan na gawin itong major, major actor and star.

Dapat talaga, ang network sa Kamuning, buhayin ang GMA Films para ang mga artistang tulad ni Madrid, dumami ang body of work at hindi laging sa telebisyon lang ito mapapanood.
Ruru has great looks, a sexy body, the height, screen presence at hi­git sa lahat, marunong umarte.

Kaya itong si Ruru Madrid, puwede po ba, ipakita at iparamdaman niyo naman sa amin na kaya niyong magpasikat or else, baka sooner rather than later, magkandirit rin ‘yan papunta sa Mother Ignacia station, at mas sumikat pa siya dun, kayo na naman ang may sala.

Speaking of a potential partner, kung tapos na siya sa pagrampa sa top modeling capitals at pagpo-pose sa mga Asian fashion editorial at campaigns, hindi naman siguro masama kung si Maureen Wroblewitz eh maging bagong kapareha ni Madrid. May balita na smitten ang hunky actor sa Asian supermodel, hindi na kayo mahihirapan pang magka-chemistry ang dalawa dahil nga ang barako eh bet na ang binibini.

Kaya nga, goodbye and good riddance, Gabbi. Babu ka na at welcome sa pagiging the WHO.

Starlet umiwas sa tsikahan

Sa nasabing bidyo, ang starlet of the highest order, dumalo sa isang music event. Handa siyang magpakuha ng larawan pero tila pinipili niya lang ang mga taong gusto niyang kausapin.

Madaming mga taong isisigaw ang kanyang pangalan, tila nais siyang chikahin. Meron naman siyang pinaunlakan, isang reporter mula sa kanilang istasyon. ‘Yung mga iba, tila hindi niya naririnig at super dedma niya talaga.

Wala naman siyang ear plugs. HIndi naman ako maniniwala na nabulag siya for a moment dahil sa mga flash ng cameras. May gesture siya of giving flying kisses sa mga tumatawag pero kitang-kita talaga ang pag-iwas niya sa mga gusto siyang makausap.

Hindi naman kaya mabigat masyado ang leather jacket niyang suot at dahil dito, basang-basa na ang mga kili-kili niya kaya uncomfortable na siyang makipag-chikahan? Hahahaha!