SABI ni Mocha Uson sa FB, “Hala minura ni President Rodrigo Roa Duterte ang Inquirer at ABSCBN, baka i-suspend ng KBP si Tatay Digong.”

Waley pumatol sa ganu’ng comment niya lalo pa’t nagpapahiwatig na pareho lang sila ng ginawa pero si Mocha ay natigbak sa kanyang radio show.

Mahina rin ang “Palit Leni” na ipinag-iingay niya sa Luneta.

Kung sinabi na ni Digong na ‘wag nang ituloy ang impeachment sa kanilang gobyerno at hindi niya ito gustong mangyari, bakit nag-aatrebida at iba ang huwisyo at kilos ng Dutertards tulad ni Mocha?

***

Pinagkatiwalaan ng international brand na Pantene ang Kapuso na si Gabbi Garcia bilang bago nitong Asian ambassador.

Si Gabbi ang bibida sa TV commercial at print campaign na ibabandera sa 10 bansa kasama ang Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Thailand, Singapore, Malaysia, China, Hong Kong, Taiwan at Australia.

Para sa proyektong ito, lumipad patungong Australia ang Kapuso star kung saan nakatrabaho niya ang ang award-winning photo­grapher at filmmaker Olivier Staub, Sydney-based Hollywood stylist Ellie Goodman, celebrity hair stylist Ken Arthur at ang Pinoy make-up artist na si Robbie Piñera.

“It feels overwhel­ming, especially kno­wing that the previous ambassadors are all strong and successful.

“But being in a big production where I work with people from different countries, I feel so empo­wered,” sey ni Gabbi, na isa sa mga bida ng telefantasyang Encantadia.

***

Palabas ang Bliss mamaya sa UP Film Center at kailangang magpa­lista nang maaga ang mga taong manonood.

5:00 PM ang registration at kailangang magpakita ng proof na adult ang mga manonood kung sakali.

NO CUTS at INTEGRAL VERSION ang ipapalabas tulad ng version na pinanood sa Osaka Asian Film Festival.

Grabe ang hype sa pelikulang ito dahil sa X rating sa Pinoy movie in recent years. We’re sure it’s worth watching.

Directed by Jerrold Tarog and starring Iza Calzado, Ian Veneracion, TJ Trinidad, Audie Gemora, Shamaine Centenera-Buencamino at Adrienne Vergara, sana’y magkaisa ang film enthusiasts na suportahan ang pelikulang ito.

***

Dahil concert na bukas ng Coldplay, ano na kaya ang move nitong mahilig sa freebies na personality na sanay nang manghingi ng libreng tickets?

Usap-usapan ang female celebrity na humi­ngi noon ng 2 tickets sa isang foreign act din para sa kanilang mag-asawa, tapos binalikan pa ang promoter at humingi pa ng dagdag na apat.

Mukhang hindi uubra ito sa mahal ng Coldplay concert. Good luck sa celebrity harbatera!

***

Malalaman ngayong linggo kung matutuloy ba o hindi si Sharon Cuneta sa paggawa ng kanyang unang Cinemalaya movie under Direk Mes de Guzman.

Nagsunud-sunod kasi ang schedule niya sa TV lalo pa’t halos patapos na at pa-finale na ang Your Face Sounds Familiar Kids at nagsimula na rin ang ta­ping ng The Voice Teens.

Sayang kapag ‘di na­tuloy si Shawie at mababawasan ng kinang ang Cinemalaya roster of supposed A-listers.