Gabbi, kinilig kay Karylle Diana, IDOL ni Sanya

Gabbi Garcia

WAGAS ang ligaya ng direktor ng Encantadia sa pagtatagpo ng mga orihinal at bagong Sang’gre ng Kapuso telefantasya.

Sa tuwa ni Direk Mark Reyes ay gumawa siya ng collage sa Instagram na pinapakita ang pagtatagpo ng mga dati at baguhang Sang’gre — ang mga Pirena na sina Sunshine Dizon & Glaiza de Castro, dalawang Amihan na sina Iza Calzado & Kylie Padilla, dalawang Danaya na sina Diana Zubiri & Sanya Lopez, at dalawang Alena na sina Karylle & Gabbi Garcia.

“The circle is now complete!” ang excited na sambit ni Direk Mark sa kanyang caption.

Unang nagkita sina Sunshine at Glaiza dahil kasama si Sunshine sa present Encantadia bilang bagong karak­ter na si Adhara (na tsinugi na dahil may bagong teleserye si Sunshine, ang Ika-6 Na Utos kasama si Gabby ­Concepcion).

Sina Iza-Kylie at Diana-Sanya ay unang nag-face-to-face sa pa-dinner ni Direk Mark para sa grupo nu’ng October 20.

Sina Karylle at Gabbi ay recently lang nagkita sa isang Disney event.

Ikinatuwa ng dala­wang Alena ang paghaharap nila.

Sabi ni Gabbi, sobrang kinilig siya nang makita si Karylle at hindi niya in-expect na doon pa sila magkikita.

Sobrang happy ang dalaga at super sweet daw ni ­Karylle.

Sanya Lopez at Diana Zubiri
Sanya Lopez at Diana Zubiri

Sey naman ni K, masaya siyang nagkita na sila ni Gabbi­ dahil hindi sila nagtagpo sa pa-dinner ni Direk Mark dahil may out of town gig si Gabbi that time.

“She’s so sweet. I really love her,” ang papuri ng Kapamilya actress-singer­ sa Kapuso star na magde-debut sa ­December 6.

Sina Sunshine-Glaiza at Diana-Sanya ay ilang beses nang nagkaeksenahan sa Encantadia, na ikinaka-excite ng Encantadiks.

‘Idol’ ang tawag ng seksing si Sanya sa dating sexy star na si Diana, na ngayon ay isa nang happily married wife and mother.