“OO NAMAN!”
Iyan ang walang pag-aatubiling sagot ni Ruru Madrid nang tanungin kung mami-miss ba niya ang ka-loveteam na si Gabbi Garcia.
Sa Sabado (July 29) na ang lipad ni Gabbi papuntang Nice, France para sa cover shoot ng isang fashion magazine.
“Si Gabbi, sobrang saya ko kasi grabe ‘yung mga naa-achieve niya ngayon. Masaya ako for her,” saad ni Ruru, na happy sa pagpasok niya sa Alyas Robin Hood Book 2.
***
Ayon sa Kantar Media, mas maraming Pinoy ang tumutok sa Pangako ng Pagbabago: State of the Nation Address 2017 live coverage ng ABS-CBN.
Nagtamo ito ng national TV rating na 16.6%, kumpara sa coverage ng GMA na naka-7.8% lang.
***
May surpresa ang DZBB na mapapanood simula ngayong Miyerkules.
Pinaghandaan ito ng buong staff ng Dobol B at nakaka-LSS daw ito.
Marami-raming beses itong mapapanood hindi lang sa GMA 7 kundi pati na rin sa GMA News TV.
***
This Time I’ll Be Sweeter ang bagong pelikula ng Regal Films starring Barbie Forteza at Ken Chan, to be directed by Joel Lamangan.
Ang tanong, sino ang magsasabi nu’ng linyang iyon? Si Barbie ba? O mas bagay si Ken Chan? Or both?
Sana, umubra sa pelikula ang libreng tambalan na ito sa TV.
***
Sa major singers na pambato ng ASAP, bakit kaya tanging si Jed Madela ang hindi isinama sa Toronto show nila?
Nagtatanong ang mga Pinoy sa Canada, hindi ba siya ‘yung talagang world-class?