Katambal ni Ruru sa Encantadia ang ka-loveteam niyang si Gabbi Garcia, na gaganap nilang isa sa mga Sang’gre na si Alena.
Grabe ‘yung feeling ni Gabbi, sobrang happy siya na napili siya bilang isa sa apat na Sang’gre kahit may mga nagsasabing masyado siyang bata.
Ito ang pinakamabigat at pinakamalaking karakter na gagampapan ni Gabbi kaya kailangang paghandaan.
Si Karylle ang gumanap noon bilang Alena. Naging sina Dingdong at Karylle sa totoong buhay, kaya lang ay naghiwalay din ang dalawa.
Natawa si Ruru sa sinabi namin. Sana raw, sila ni Gabbi ay hindi maghiwalay.
Ang sabi sa amin ni Ruru, hindi pa sila magsyota ni Gabbi, pero feeling niya ay nagkakaintindihan na sila.
Wala pang ligawan dahil hindi pa puwede. 17-anyos lang kasi si Gabbi.
Sey ng dalaga, halos everyday na silang magkasama ni Ruru, pero hindi pa sila.
Katwiran ni Gabbi, ang daming blessings na dumarating ngayon sa kanila na hindi pa nila priority ang lovelife. Isa pa ay ang bata pa nila pareho.
Sa December 2 ang 18th birthday ni Gabbi. Baka sa Pasko ay sila na, pero huwag daw muna, sabi sa amin ni Gabbi.
Okey ba sa kanya sakaling si Ruru ang magiging first boyfriend niya?
“Oo naman, okey lang. Kung darating, eh ‘di masaya,” sagot ni Gabbi.
Hirit ni Ruru, “Parang nakakapagtampo naman kung may iba pa, ‘di ba?” sabay tawa.
Sasama ba ang loob ni Ruru boy kung hindi siya ang magiging boyfie ni Gabbi girl?
“Siyempre, kami na ‘yung laging magkasama, tapos iba pa ‘yung pipiliin niya?” pakli ng binata.
Tanong ni Gabbi kay Ruru, okey ba rito na maging girlfriend siya?
“Ang tagal ko na ngang naghihintay sa ‘yo, eh!” mabilis na sagot ni Ruru, na tinilian ng mga kaharap na press.
Hindi ba etchusero si Ruru?
Ani Gabbi, “Hindi naman. Alam ko kapag sincere ‘yung sinasabi niya, in fairness naman sa kanya.”
Ito ang pina-challenging na roles para sa GabRu dahil hindi na sila mga pakyut na teenyboppers sa Encantadia.
Pero dahil wala pang 18 si Gabbi ay hindi pa siya puwedeng makipag-kissing scene.
Tuwang-tuwa ang Team Encantadia sa mga positive feedback sa pilot episode nito nu’ng Lunes.
Nag-trending ito nationwide at worldwide at pinag-usapan sa social media.
Napapanood ang Encantadia gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
***
YUMMYLICIOUS hunk ang dating ng 18-anyos na si Ruru Madrid sa grand launch ng Encantadia.
Nagpa-bulk up si Ruru at nagpaganda ng katawan para sa role niya bilang Ybarro, na ginampanan noon ni Dingdong Dantes.
Bukod sa lumaki ang kaha at tumangkad si Ruru, ang tigas ng kanyang abs at namumutok ang kanyang biceps.
Hindi niya naipasilip sa amin ang kanyang 6-pack dahil sa suot niyang costume.
Sey ng young Kapuso hunk, after i-announce na siya na ang Ybarro ay nagbabad na siya sa gym para mag-Muay Thai, mag-boxing, mag-kickboxing at lahat na ng workout para nasa tamang porma ang katawan niya.
Aminado si Ruru na nakaka-pressure dahil si Dingdong ang orihinal na Ybarro.
Pero mas gusto niyang maramdaman ang excitement kesa pressure. Gusto niyang mahalin ‘yung role at dapat ay maibigay niya rito ang best niya.
Hindi in-expect ng guwaping na bagets na makukuha siya for the role dahil feeling niya, ang kailangan dito ay maganda ang katawan at mas mature.
Ang akala niya ay si Aljur Abrenica ang mapipili, kaya tuwang-tuwa siya na sa kanya ito napunta.
Napanood ni Ruru ‘yung sinabi ni Dong sa isang interview na natuwa ito na siya ang napiling Ybarro dahil nasubaybayan siya ni Dong sa Protégé at sobrang proud ito sa kanya.
Ang sabi sa kanya ni Dong, dapat ay matuto siyang matulog sa gubat at maging physically fit.
Puwedeng-puwede nang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash si Ruru, pero baka hindi pa this year.
Mas gusto niyang mag-Cosmo na nasa best form ang katawan niya. Sa ngayon ay marami pang kulang.
May kulang pa ba? Bakit, ano pa ba ang kailangan niyang palakihin?
“Malaki na po! Ha! Ha! Ha!” pilyong sagot sa amin ni bagets, na na-gets agad ang tanong namin.
Dahil mas delicious na siya ay mas pagnanasaan na siya ng mga girls at beks.
Natawa lang si Ruru at nag-smile na labas ang dimples.