Gabbi nagpasilip ng puwet

Pasimple pero binulabog ni Gabbi Garcia ang socmed sa kanyang pagpapasilip ng kagandahan.

Dalawang larawan ng Kapuso star ang pinoste nito sa kanyang Instagram wall na kuha sa isang pool.

Hindi lantaran ang pagpapakita ni Gabbi ng kanyang alindog, pero malala na ang impact nito sa kanyang mga follower.

Ang isa ang talagang yumanig sa kanyang mga tagahanga, ang pagpapakita niya ng kanyang back view.

Inilantad ni Gabbi ang kanyang matambok na puwet na talaga namang busog na busog sa laman.

Si Gabbi ang matatawag na ‘sultry brown girl.’ Ang kanyang morena complexion ang nagpatingkad ng kanyang umuusbong na kaseksihan.

Namilog ang mata ng mga kalalakihan sa kanyang kaseksihan.

Isa si Gabbi sa matatawag na ‘Gandang Pinay,’ ‘Kayumangging Kalagitan.’

Ang katangiang ito ang habang buhay na papangarapin ng mga babaeng nagnanais na maging ‘morena beauty.’
Kahit saang anggulo mo tingnan, kahit anong suot, kahit anong panahon hindi nalalaos ang gandang Pinay.

Sa kategoryang ito at sa kanyang mga kasabayan, umuungos na si Gabbi.