ITINANGGI ng Kapuso star na si Gabbi Garcia ang kumalat na tsikang boyfriend niya ang Kapamilya young actor na si Khalil Ramos.
Bago pa namin nasabi ang one question namin kay Gabbi nang makita namin siya sa tech reh ng Sunday PINASaya nu’ng Sabado ay alam na agad ni Gabbi ang itatanong namin.
“Close kami (ni Khalil) since 2015. Ako, si Julia (Barretto) at saka iba pa naming friends. Super-close kasi sila ni Julia.
“Nagkakilala kami sa debut ni Julia nu’ng 2015. Pinakilala kami ni Kathryn Bernardo. Kasi, nasa table ako nina Kathryn. So, lahat nag-uusap-usap, ganyan,” bulalas ni Gabbi.
So, hindi totoo ang balita na sila ni Khalil?
“Nakakaloka talaga. Hindi. Pero lumalabas kami (ni Khalil).”
Actually, parang nakakagulat ‘yung balita na confirmed daw talaga na sila na ni Khalil.
“Confirmed? Nakakaloka! Ano ba ‘yon? Saan nanggaling ‘yon?
“At saka nakakatawa, kasi pumutok ‘yung balitang ‘yon, nakita lang kaming magkasama (ni Khalil). Tapos, biglang ganu’n na agad,” pakli ng 18-anyos na dalaga, na gumaganap bilang Alena sa Encantadia.
Bakit sila magkasama ni Khalil?
“Eh kasi, magkakaibigan po talaga kami. May isa pa kaming kasama. Eh since kaming dalawa lang ‘yung artista, kami ang piniktyuran.”
Pumoporma as in nanliligaw sa kanya si Khalil?
“Hindi. Hindi naman.”
Ipagpapalit niya ba ang ka-loveteam niyang si Ruru Madrid kay Khalil?
“Tanungin n’yo siya (Ruru) kung ipagpapalit niya ako. Joke!!” sagot ni Gabbi, sabay tawa.
Tinawag namin si Ruru, na nandu’n din.
Alam din ba ni Ruru ‘yung isyu tungkol kay Khalil?
Si Gabbi ang sumagot ng, “Oo naman, alam niya ‘yon.”
Aware ba si Ruru na nali-link si Gabbi sa isang tagakabila?
“Kaibigan niya naman po ‘yon, matagal na. Nakilala niya ‘yon sa debut ni Julia, mabait naman po ‘yung tao,” pakli ng guwaping na binata.
Si Ruru ba, ipagpapalit si Gabbi sa iba?
“Hindi po,” mabilis na sagot ni Ruru.
Eh bakit parang iba ang reaksyon ng mukha ni Gabbi?
“Hindi, ah? Natatawa lang ako. Kasi para bang nagkabiglaan,” sey ni Gabbi.
Anong feeling ni Ruru na nai-link si Gabbi sa ibang guy?
Bago makasagot si Ruru ay humirit si Gabbi ng, “At least ako, hindi ako smitten by anyone’s beauty,” na ang tinutukoy ay ang pagka-smitten ni Ruru sa bagong tinatambal dito sa Encantadia na si Arra San Agustin.
Ani Ruru, “Sa akin po, hindi naman ako ano du’n. Kumbaga, may trust namn ako kay Gab. Ha! Ha! Ha! Kampante naman po ako.”
Eh may trust ba siya kay Khalil?
“Hindi ko pa po siya nami-meet personally, eh.”
Sundot ni Gabbi, “Iba kasi kami ng group of friends outside. Pero may group of friends din kami (ni Ruru).”
At least, nalinaw ni Gabbi na hindi totoo ‘yung kay Khalil.
“Ano ba, guys? Issue!” natatawang pakli ni Gabbi.
Ani Ruru, “Hindi po totoo ‘yon. Siyempre, mas mauuna po niya sa aking sabihin.”
‘Yun nga ang nakakalokah, naunahan pa siya ng iba kay Gabbi, huh!
“Hindi po. Hindi naman. At saka si Gabbi po, alam ko naman na mas marami pa siyang priorities sa buhay kesa sa lovelife,” sambit pa ni Ruru, na in fairness ay swit-switan kay Gabbi.