KUNG paseksihan ang labanan, hindi uurungan ni Solenn Heussaff ‘yan!

Challenge accepted para sa Kapuso sexy actress ang pagkain niya ng mais in a HOT & SEXY way.

Talk of the town ang video ng Full House Tonight mainstay na ginagawa ito.

As of presstime, more than 82,000 likes na ito.

In character pa siya nang ginagawa ito, huh?!

If you can’t get enough of Solenn’s sexy and funny side, be sure to catch her every Sa­turday night on Full House Tonight.

***

Marami ang nagulat sa Kapuso afternoon series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa nang natagpuan ng batang nagbebenta ng bulaklak ang tulalang taong grasa na kamukhang-kamukha ni Ephraim (Benjamin Alves).

Benjamin Alvez
Benjamin Alvez

Pareho pa ang damit na suot nito bago pa man maaksidente ang binata habang hinahabol nina Mariz (Ara Mina) at Angeli (LJ Reyes).

Maraming viewers tuloy ang nabuhayan ng loob para kay Santina (Julie Anne San Jose) na sobra na ang lungkot mula nang mapaba­litang namatay si Ephraim.

Isang netizen na nagtanong sa Kapuso actress sa Twitter kung handa pa rin ba siyang tanggapin ang binata kahit na ganito ang hitsura nito sa totoong buhay — hindi naligo at sobrang dungis. Sagot ni Julie Anne, “Mahal ko pa rin siya.”

***

Hindi makapaniwala ang international crew na kasama ni Gabbi Garcia sa kanyang TV commercial shoot na 18 y/o lang ang dalaga.

Gabbi Garcia
Gabbi Garcia

Bukod kasi sa pagiging propesyonal ay agad nila itong nakagaanan ng loob dahil mature itong kausap at maraming naibahaging experience niya.

Bilib ang hair expert na si Ken Arthur dahil kahit na anong ipagawa sa kanya ay nagampanan ni Gabbi.

Sabi pa ng stylist, “She was a trooper. We were working in extreme conditions — the sun, the wind, the salt and the dust — and had a very limited amount of time, but with her concentration and help, we pulled it off.”