SA isang fashion blog, si Gabbi Garcia ang celebrity OOTD inspiration para sa buwan ng Hunyo.

Nanguna sa listahan ang Kapuso It Girl.

Agaw-pansin kasi siya pagdating sa fashion.

Go-to-girl si Gabbi ng millennials dahil maga­ling siyang magdala ng outfits kahit simple lang manamit.

Very accessible ang fashion pegs ni Gabbi. Madali siyang gawing inspiras­yon ng young Fili­pinas.

Marami rin ang natutuwa sa kanya dahil she can go from sexy and fierce to sweet and casual na pananamit.

Bongga ka, Gab!

***

Ilulunsad na ang Mr. Dakilang Lahi 2017 mamayang 10:00 PM sa Fahrenheit, 1204 E. Rod­riguez Sr. Av., QC (malapit sa Morato Av.).

Magpapakitang-gilas dito ang bikini hunks ni Shobi Dionela.

***

Umabot na sa 4M ang Instagram followers ni Marian Rivera.

Sa pasasalamat niya sa IG followers, nangako siyang puro positive na bagay lang ang ibabahagi niya sa kanila.

Kahit pa marami ang patuloy na bumabatikos sa kanya, naka-focus na lang siya sa kung ano ang nagpapasaya sa kanya.

Poised pa rin si Marian kahit maraming nega!

Anyway, inaabangan na ng kanyang fans ang susunod niyang project na The Good Teacher kung saan kasama niya ang Pantasya ng Asya na si Kim Domingo.