Magaganap na ang pagsasama nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion… hindi sa isang pelikula kundi sa isang event for teachers sa darating na Linggo.
Kabilang sina Sharon at Gabby sa mga celebrity performers sa Gabay Guro, ang annual grand gathering ng mga teacher mula sa iba’t ibang panig ng bansa na gaganapin this Sunday, September 23, sa MOA Arena.
Ibig sabihin ay may chance na magkita at magkasama ang dalawa sa araw na ‘yon. Payag kaya si Gabby na pagsamahin sila ni Sharon sa isang number?
“Naman! Alam n’yo na kung ano ‘yung kanta!” mabilis na sagot ng guwapong aktor. Ano?
“‘Yung standard namin (ni Sharon), ‘di ba? ‘Sabagay, meron kaming dalawa o tatlo na kinanta noon. Pero kahit na ano, puwede naman naming kantahin.”
So, open siya na mag-perform sila ni Shawie together?
“Of course. Actually, matagal ko nang hinihintay ‘yon eh, hindi lang matuloy-tuloy,” napapangiting pakli ng Kapuso actor.
Meron bang usapan kung magsasama sila sa stage ni Mega sa Sunday o hiwalay sila?
“Hiwalay. Matagal na kaming hiwalay. Joke lang!” tawa ni Gabo, na nasa mood makipagbiruan kahapon.
“Yeah, wala, walang ano, wala kaming usapan.”
Pero in the future, open ba siya sa gano’n?
“Of course. Very!” pakli niya.
Ang sabi namin kay Gabby, tiyak na mas matutuwa ang mga guro sa nasabing event kung makikita ng mga ito na magkasama sila ni Sharon sa stage.
“Yes, oo. Masaya nga ‘yung mga surprises. Maski ako, masu-surprise din ako. I don’t know what to expect. So, let’s see what happens.”
So, malinaw ‘yon na okey sa kanyang pagsamahin sila ni Mega sa isang song number if ever?
“Of course. Hinihintay ko na nga ‘yung movie namin, eh. Sana matuloy, pero marami lang tinatahi.”
Ano ba talagang dahilan at hindi natuloy ang reunion movie nila?
“I really don’t know. There’s a lot of factors. Pero like I said, timing is everything. I hope we can make it happen,” sey ng 53-anyos na aktor.
Nag-uusap ba silang dalawa ni Sharon?
“No, we’re not talking right now. But I’m sure we will be once we get things together.”
Ang gustong itanong ni Mega sa kanya sa guesting nito kamakailan sa ‘GGV’ ay, “Anyare?” at ang sabi nito ay, “Sana okey kami.”
Reaksyon ni Gabo, “Oo, ako, okey ako ever since. I never said no to the project. That’s why nagpunta ako du’n sa kabilang istasyon para makipag-usap to see what there is.
“And talagang things just didn’t work out. Maraming factors, pero we’ll get things together. I’d like to do that movie.”
Actually, naging okey na silang dalawa after nilang magsama sa McDo TVC, ‘di ba?
Nag-follow-han na sila sa Instagram. Tapos ay nagkatampuhan na naman sila at nag-unfollow-han.
Hirit ni Gabby, ‘Maganda nga sa pelikula ‘yung ganyan, ‘di ba? Love-hate, love-hate. Alam mo, maganda may conflict sa pelikula dahil kung wala nu’n, what’s the fun, ‘di ba?”
Owkay, fine! So, may posibilidad pa talagang matuloy ang inaabangang balik-tambalan nila sa pelikula?
“Meron, meron, of course. May bukas pa!” nakangiting sambit ni Gabby.