Gabby mas bet si Janice kesa kay Sharon?

Humamig ng mga complimentary comment ang palitan ng conversation nina Gabby Concepcion at Janice de Belen sa Instagram.

Napukaw ang atensiyon ng mga netizen sa palitan ng usapan ng dalawang Kapuso star tungkol sa throwback photo nila.

Ang nasabing photo ay cover ng isang dating circulated fan magazine noong mga bata pa sila.

Makikita sa wall na teener pa lang si Janice at binata pa si Gabby.

Ito ‘yung panahong may team up pa sila o kaya’y magkarelas­yon.

@concepcion­gabby, “THROWBACK Kislap Magazine sob­rang cute ni @super_janice.”

Naka-tag sa comment ni Gabby ang manager niyang si Popoy Caritativo, ang younger sis ni Janice na si Gelli de Belen. At ang title ng movie nila na ‘Truly’ at ang image ni Gabby na Prince Charming.

At ang description ng team up nila na ‘Puppy Love’.

Naka-tag din ang stand ni Gabby na wala dapat negative sa mga post niya, #goodvibesonly #goodvibesplease.

Nagsimula ang good vibes tag ni Gabby nang magliyab sa socmed ang isyu sa kanila ni Sharon Cuneta.

Maraming follower si Gabby na kinilig at pumabor sa post ng aktor.

Lalo na nang mag-comment si Janice kay Gabby.

@super_janice. “@concepciongabby, Where did you get the pic..cure(Cute)!”

Tugon ni Gabby, @concepciongabby, “@super_ja­nice a friend has it in her collection.

Reply naman ni Janice. “I meant ang cutee!!”.

Sa post na ito lumalabas na mas appreciative si Gabby sa team up nila ni Ja­nice kaysa team up nila ni Sharon kahit kino-consider na mas box office at love ni Gabby sa megastar.

Siguradong magri-react ang mga fan nina Sharon at Gabby sa paandar na ito ng aktor sa kanila ni Janice.