Matunog ang balitang may samaan ng loob umano sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Tila wala nang pag-asa sa kasalukuyan ang reunion movie nila na gagawin sa ilalim ng Star Cinema.

Kamakailan ay may crypting message posting ang Kapuso actor sa kanyang Instagram account tungkol sa hindi niya responsibilidad o kinalaman sa misery o happiness ng ibang tao at sa kanyang desisyon.

Bago mag-Holy Week, naging issue ang kalungkutan ni Sharon na idinaan niya sa mga makahulugang mensahe tungkol sa pagwasak ng puso niya ng isang tao.

Walang pinatatamaan si Sharon kung sino ito, pero hinihinalang ang pagtanggi ng kampo ni Gabby sa kanilang movie project ang dahilan.

Walang anumang post si Gabby na naglalahad ng kanyang saloobin tungkol sa isyu.

Noong Sabado ng umaga nagpaskil si Gabby ng mensahe sa kanyang IG account.

“Don’t ever feel bad for ma­king a decision about your own life that upsets other people. You are not res­ponsible for their happiness. You’re responsible for your own happiness. Anyone who wants you to live in misery for their happiness should not be in your life to begin with – Isaiah Hankel.”

Simpleng comment ng actor.

@concepciongabby “thought for the day, #happiness #goodvibesplease #goodvibesonly”.

Hindi pinatutsadahan ni Gabby si Sharon pero may mga follower siya na nagsasabing may kinalaman ‘yun kay Sharon.

Walang anumang sinagot na comment si Gabby sa kanyang mga fan sa pagbanggit ng pangalan ni Sharon sa message post niya. (Rey Pumaloy)