Gabby ready nang magkaapo kay KC

Okay na okay kay Gabby Concepcion kung sakaling magbabalik-showbiz talaga ang anak niyang si KC Concepcion. Kamakailan nga kasi ay nag-post ang dalaga na nami-miss na raw niyang umarte. “Anytime naman, yayakapin naman siya ng industriya, eh. Ayaw pa niya eh, dahil in-love,” reaksyon ni Gabby nang makausap namin sa set ng “Love You Two.”

As we all know ay may boyfriend si KC ngayon, ang French filmmaker and producer na si Pierre Emmanuel Plassart na ayon kay Gabby ay na-meet na niya’t in-introduce na sa kanya ng anak.

“Okay siya, mabait,” sabi ni Gabby about Pierre.

When asked kung okay na rin ba sa kanya sakaling magpakasal na si KC, aniya ay oo naman daw.

“Kahit anong gustong gawin niya, basta’t masaya siya, andiyan lang ako, nakatutok lang, nakamasid, nakaabang,” aniya.

Ready na rin ba siyang magka-apo?

“Naku, gusto ko nga, marami na akong apo. Etong mga ‘to, ayaw pa, eh. Hindi ko pa na-experience, eh. I’m sure, masaya ‘yun, ‘di ba?”

Aliw na aliw din si Gabby sa bagong app ngayon sa Instagram na puwedeng mag-switch ang girl at boy. Sinubukan daw niya ito at nang ma-ging babae siya, kamukhang-kamukha niya si KC. Sinend daw niya sa anak at tawang-tawa raw ito.

Samantala, masayang-masaya si Gabby sa mataas na ratings ng “Love You Two” gabi-gabi. Nagpapasalamat daw siya sa mga kasama niya tulad nina Jennylyn Mercado, Solenn Heussaff, Shaira Diaz and the rest of the cast gayundin sa lahat ng production staff and crew.

“Actually, ang mas dapat pasalamatan natin, ‘yung mga nasa behind the scenes, ‘yung mga director of photography, ang mga staff, crew, of course, ‘yung magagaling na writers, director, assistants, mga bos-ses natin. It’s a teamwork.”

Pagbibiro nga niya, enjoy na enjoy daw siya sa role niya bilang Jake na pinag-aagawan ng apat na babae na mga karakter nina Jen, Shaira, Solenn and Sheena Halili.

“First time ko ngang maranasan ‘to, eh. Kaya ang sarap, eh. Sana nga, mangyari sa tunay na buhay,” pagbibiro pa ni Gabby.

“Basta maraming magagandang puwedeng mangyari talaga. Maski ako, nagulat ako nu’ng nakita ko ‘yung script at ‘yung pupuntahan ng istorya,” sey pa niya.
***

Asawa ni Solenn ‘di super romantiko

Hindi lang pala si S­olenn ang nakalimot ng 3rd wedding anniversary nila last May 21 kundi pati ang mister niyang si Nico Bolzico.

Lumipas daw ang maghapon na talagang nakalimutan nila at hindi man lang nga sila nag-greet ng “happy anniv” sa isa’t isa.

Kuwento ni Solenn nang makausap din namin sa set visit ng LYT, nag-post daw siya ng picture nila ni Nico on that day since 4 days na raw siyang hindi nagpo-post.

Sa comments section ay may mga bumabati raw sa kanya ng “happy anniv” pero hindi pa raw nag-sink in sa kanya na anniversary nila. She found it weird pa nga dahil nag-post lang siya ng couple picture eh binati na agad siya ng “happy anniv.”

Nu’ng bandang gabi na ay nag-text daw sa kanya ang friend niya na pumunta sa wedding nila sa France at binati siya ng “happy anniv.” Du’n pa lang daw niya na-realize na anniversary nga nila.

Kaya tinawagan daw niya si Nico at binati niya niya. Du’n pa lang din daw naalala ng mister na wedding date pala nila that day.

Okay naman sa kanya na nakalimutan din ng kanyang mister?

“Yeah, kasi wala akong paki,” natatawa niyang sabi. “Sabi ng mom ko, ‘hay naku, 3 taon pa lang, nakalimutan mo na. Kami ng tatay ko 42 yrs na, we keep on reminding each other.’”

Ayon kay Solenn ay pareho sila ni Nico na hindi sentimental.

“Mabait siya at joker siya, pero hindi siya ‘yung super-romantic na tao,” sey niya tungkol sa asawa.

Samantala, ginagampanan ni Solenn ang papel na ex-girlfriend ni Jake na si Lianne sa “Love You Two.” Sa kuwento ay nagpunta siya sa Amerika after the break-up pero ngayon ay babalik na siyang muli at abangan daw ang mga eksena niya dahil may secret daw siyang ire-reveal.