Maraming napatunayan si Alden Richards as an actor. Maging sa stunts niya noon sa “Victor Magtanggol” ay siya mismo ang gumagawa dahil ayaw raw niyang magpa-double. Hindi na niya naisip kung madidisgrasya siya.
Pag-amin pa niya, “actually nagka-scar na ako (pinakita niya ang parte nang nagalusan siya sa bandang paa niya). I got it when I did ‘Indio.’ Nagkamali ako ng tantiya ng pagtalon.”
Wala raw siyang double nu’n.
“‘Di bale, nag-best actor ka naman diyan,” sambit naman ng aming Abante Tonite Entertainment Editor Roldan Castro.
“Oo nga po, eh,” sagot naman ng Kapuso actor.
Sa pagpasok ng 2019, maraming gustong patunayan si Alden. New image, challenging roles at hopefully daw ay makapasok din siya sa international movie. Ibig din daw niyang magkaroon ng sariling produksiyon.
Kung may production company na siya, sino naman ang una niyang ipo-produce ng pelikula?
“Ibabalik ko po ‘yung dating loveteam noon. Tulad ng Sharon-Gabby. Siyempre, pipili na po ako ng sikat na loveteam noon, para sigurado,” lahad pa ng actor.
Marami pang madidiskubre kay Alden Richards. Panoorin ang live interview niya sa Abante TNT website, Abante Tonite Facebook page at Abante Tonite YouTube channel.