Gabriel front act nina K Camp, Shordie Shordie

Natatanaw na ang katuparan ng mga hangarin ni Spotify streaming Prince Filipino-American Gabriel Barcenilla. Siya lang naman ang front act sa musical acts nina K Camp (Interscope) at Shordie Shordie (Warner Records) sa Arizona sa darating na Oct. 31.

Noong Sept. 20, si Gabriel ang naging front act para kay Journey frontman Arnel Pineda na ginanap sa Celebrity Theater, Arizona. Siya ay ipinanganak sa Mandaluyong City noong Nov. 12, 1992.

Alam ba ninyo na ang mga magulang ni Gabriel ay ni-recruit ng US dahil sa kanilang mga achievements, special talents at skillls?

Gabriel’s dad is Rogelio P. Barcenilla Jr., isang sikat na chess grandmaster noong panahon ng una nating Chess Grandmaster Eugene Torre.

Ang nanay naman niya, si Lilibeth Lee ay isa ring chess Olympian.

Iba naman ang tinatahak ni Gabriel. Viral siya dahil kakaiba ang mga gawa niyang music ng mga millennial.

Suporta na lang ng mga kababayan niya sa ‘Pinas ang kailangan ni Gabriel para lalo siyang pumaimbulog sa mainstream recording at composing.

Ang kanyang “Timeless” ay may 850,000 streams na. Na-feature pa sa stereostickman.com.

Mayroon pang “UNO”, na sinundan pa ng “Rambo”, “Bittersweet” (na naging parte ng soundtrack ng Netflix movie na “EXPO”) at ang “Fallen” (na sobra na 600,000 beses na-stream sa Spotify).