Gadon pinagpag si Cardema: Ampaw kasi!

Ibinuking ni Atty. Larry Gadon na tinanggihan niya ang alok ni disqualified Duterte Youth Party-list nomi­nee Ronald Cardema na maging abogado nito sa nilulutong kasong impeachment laban kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.

Ayon kay Gadon, ‘ampaw’ ang mga akusasyon ni Cardema laban kay Guanzon dahil wala sa karakter nito ang mangikil at manghuhot ng pera laban sa mga kandidato dahil mismong siya ay kinalaban ang mga sindikato at tiwali sa loob ng Comelec.

“Ampaw ‘yun! I do not believe that Guanzon would demand or extort money and favors from Cardema. It is not a character of Guanzon,” sabi ni Gadon.

“I believe in her integrity. She was always the lone voice against then COMELEC chair Andres Bautista,” dagdag pa nito.

Iginiit ni Gadon na malabong ma-impeach si Guanzon dahil lamang sa pagiging kritiko ni Cardema at isa sa mga commissio­ner na pumabor sa disqualification case na isinampa laban sa da­ting chairman ng National Youth Commission bilang first nomi­nee ng Duterte Youth dahil sa pagiging overage nito.

“Commissioner Rowena Guanzon cannot be impeached for interpreting and applying the law on party-list and its age limi­tation on the age of a youth party list representative. There is simply no ground for impeachment contrary to what Cardema says,” paliwanag ni Gadon.

Paliwanag pa ni Gadon, tumanggi siya sa alok ni Cardema na maging abogado nito sa isasampang impeachment complaint laban kay Guanzon dahil idinadaan nito sa init ng ulo at sablay na pahayag sa media ang pakikipag-away sa opis­yal ng Comelec.

“Cardema’s hot headed attitude and his statements that are out of line is the reason why I declined to take his case when he called me up over the phone to engage me as his lawyer at this time that things have gone wayward,” paliwanag ni Gadon

“I am saddened by the turn of events that Cardema had to issue statements against Guanzon which to me are baseless and co­ming from misguided outburst and emotions. Cardema and Guanzon are both my friends.”

Tinawag kamakailan ni Guanzon si Cardema na ‘dug-youth’ o haosiao na kabataan dahil sa pagpupumilit nitong maging kongresista ng isang youth party-list kahit na 34-an­yos na ito. (JC Cahinhinan)