HINAHANAPAN ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ng susunod na uunahing pelikulang gagawin.
Ito ba ang naunsiyaming pelikula with Coco Martin, o ang balik tambalan kay Jericho Rosales, o isa with Piolo Pascual?
Nang hindi kasi matuloy ang teleserye nila ni Alden Richards na Filipino adaptation ng Korean telenovela My Love From The Stars, album muna ang kanyang inatupag.
Sayang ang momentum ni Jennylyn.
***
Naka-P200M na ang pelikulang Barcelona: A Love Untold nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, as of Septeber 25 nang 7:00 PM.
Post ito ng producer na Star Cinema sa social media.
Paolo B., may 2 pelikulang nakahilera

Kasali sa Main Competition ng Tokyo International Film Festival ang pelikula ni Jun Lana na Die Beautiful starring Paolo Ballesteros.
Interesting dahil nagbunga ng maganda ang break ni Pao sa Eat Bulaga.
Ngayon, meron pa siyang dalawang pelikulang inaabangan bukod sa Die Beautiful, ang bagong Enteng Kabisote with Vic Sotto and the Lolas at ang Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend? with Anne Curtis and Dennis Trillo na inunahan ng The Third Party (Angel Locsin, Sam Milby and Zanjoe Marudo) ng playdate.
Basta, pagandahan na lang siguro. Panalo ang Pinoy audience.
***
Malaking balita ang debate na naganap sa US Presidential candidates na sina Hillary Clinton at Donald Trump.
Parang mga artista sa showbiz, hati kina Digong, Mar at Grace, ganu’n din ang mga kababayan natin sa US.
Pero ang hindi maitatanggi, ramdam natin ang pagbagsak ng piso kontra dolyar.
***
Tweet ni Joey de Leon (Ang Poet ng Bayan) kaugnay sa debate nina Trump at Clinton:
“Bakit madalas nagkakabastusan sa debate? Rambolin nyo letters ng ‘debate’ and you’d come up with BED & EAT.”
***
Tweet ni Biboy Arboleda, ISANG TAON NA ang Pambansang Teleserye, Ang Probinsyano, ngayong Miyerkules (Setyembre 28).
Mabuhay ang Idol ng Masa at Primetime King na si Coco Martin!
Billboard nina Bailey at Ylona, hindi kagandahan!

Hindi kagandahan ang pagkaka-photoshop ng picture sa billboard nina Bailey May at Ylona Garcia.
At dahil hindi pa sila masyadong kilala, kinailangang ilagay ang mga pangalan nila sa billboard dahil kung pagmamasdan lang ang mga mukha nila, CYNTHIA CYNTHIA ang sasabihin ng mga tao at motorista.
***
Na-delete sa ilang web portals ang vidjakol (batibot video) ng pogilicious bagets na sangkot sa isang malagim na krimen.
Kalat na iyon sa mga PM (private message) sa FB (Facebook).
“No wonder, hahabul-habol si kapitan kay bagets na alaga ng isang TV director. Nakaka-good vibes kasi ang kanyang lollipop!” sey ng sirenang kalokahlike ni Leklek Tumalad of Colombia, este, Asia.
Gladys Reyes kay Inah: ‘May potential siya!’
Proud ang beteranang aktres na si Gladys Reyes sa kanyang Oh, My Mama! co-star na si Inah de Belen.
Tulad niya na nagsimula sa showbiz sa murang edad, nakita niyang may potential na ang dalaga na maging isang magaling na aktres.
Ayon kay Gladys, naramdaman agad niya ang dedikasyon ni Inah sa ginagawa.
“May potential siya. Kasi unang sabak naming dalawa, drama agad. Ramdam mo agad sa kanya na may hugot eh, may pinanghuhugutan agad.
“Hindi siya mahirap humugot ng emosyon. Itong si Inah, malaking-malaki ang potential,” pahayag ni Gladys.
***
Nakakakilig ang Instagram post ni Derrick Monasterio para sa ka-loveteam niya na si Bea Binene.
After kasi um-attend ni Bea ng Oh Boy! concert wherein part nito si Derrick, shinare ng binata na super touched siya na nakapunta ang dalaga sa concert kahit sobrang traffic.
Saad ng Kapuso actor, “My post-concert picture will highlight not my performance but my loveteam! Thankyou for coming, I really do appreciate you battling traffic just to come and criticize me. My smile looks akward but hey, @beabinene looks astonishing in this picture!”
Muling mapapanood sina Derrick at Bea sa upcoming show ng GMA na Tsuperhero.
***
Special ang birthday celebration ni Miguel Tanfelix.
Tinupad niya kasi at ng kanyang ka-loveteam na si Bianca Umali ang hiling isa nilang tagahanga na may sakit.
Binisita nila ito habang nagpapagaling sa ospital.
Ang kanilang 17-year old fan ay mayroong beta thalassemia, isang uri ng sakit sa dugo.
“Ipagpe-pray ko po siya, na sana mapabilis ‘yung paggaling niya and thank you. Ang sarap po kasi sa puso na kahit alam niyo po ‘yun, na kahit na ganito (sitwasyon niya) talagang sinusuportahan niya po kaming dalawa ni Miguel,” sey ni Bianca.
Currently, mapapanood ang BiGuel sa Usapang Real Love.
***
Wala nang bakas ang nasunog na Ozone Disco sa Timog Avenue, Quezon City.
Tinatayuan na ito ng restaurant.
***
Sa Biyernes (Setyembre 30) ang bday show ni Mami Genesis Gallios sa One 690, #39 Roces Ave., QC.
Tampok sa palabas ang Pink Mannequins, Alaska Boys, Milo Boys, New Gen, Showboys, D’Shots at mga panauhing modelo.
***
Pre-pageant ng King & Queen 2016 Philippines (The Pageant) sa Sabado (Oktubre 1) ng 7:00 PM sa Club Genesis, #66 Sct. Tuazon St., Quezon City (malapit sa Luxent Hotel).
Ang tiket ay P250.
Para sa mga detalye, makipag-alam kay Ferdie Nadera sa numerong 0905-439-8789.
***
Natapos man ang kanyang teleserye sa GMA na Magkaibang Mundo, hindi pa rin tumitigil sa pagtatrabaho si Juancho Trivino.
Kasama siya sa pelikulang Mang Kepweng Returns.
Enjoy si Juancho sa shooting nito.
“Masaya at malayo sa drama. It’s way lighter and galing naman ako sa comedy, so, hindi naman ako nanibago doon,” sabi ng Kapuso hunk.
Kapareha pa rin niya rito si Louise delos Reyes.