Dalawang notoryosong miyembro ng robbery/hold-up group ang nasakote ng mga tauhan ng Provincial Special Operations Group ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Antonio Yarra, NE police director, nakilala ang mga naaresto na sina Ralph Jay Mercado Lagasca, 20, ng Brgy. Atate, Palayan City at Victorino Divino Sana, 45, ng Brgy. Belen, General Natividad, Nueva Ecija.

Ayon kay P/Sr. Inspector Sandro Ortega, alas-11:00 ng umaga noong isilbi ang warrant of arrest sa kasong robbery kay Mercado.

Sinasabing may anim na iba pang kasama ang dalawa sa kanilang grupo, at pinaghahanap.

Idinagdag pa ni Yarra na sangkot ang mga ito sa may 14 insidente ng robbery incidents sa Pala­yan City, Cabanatuan City, at mga bayan ng Bonga­bon, Rizal at Gen. Natividad.