Galamay ng robbery-holdup gang todas sa engkuwentro

nurse

Isang hinihinalang miyembro ng robbery-holdup gang ang napatay sa engkuwentro habang nakatakas naman ang lider ng grupo, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Hindi pa nakikilala ang napatay na suspek.

Batay sa ulat ng pulisya, nakatanggap ng impormasyon ang Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region na pinamumunuan ni Chief Inspector Michael John Villanueva, na nagpaplano ang grupo ng suspek na kilala bilang Epoy robbery group para magsagawa ng pagnanakaw sa North Caloocan.

Doon na sila naglatag ng mga checkpoint hanggang sa namataan ang suspek kasama ang umano’y lider ng grupo sa Saranai Village, Barangay 171, Bagumbong, Caloocan na sakay ng isang motorsiklo.

Pinara sila ng mga pulis pero sa halip na huminto ay pinaharurot ang kanilang motorsiklo. Nagkaroon ng habulan hanggang nagkaputukan at doon bumulagta ang napatay na suspek habang nakatakas ang kasama nitong lider ng grupo.
Narekober umano sa napatay na suspek ang isang baril na kalibre .38.