Habambuhay na pagkakulong ang ibinabang hatol kahapon sa isang miyembro ng Tinga Drug Syndicate dahil sa kasong drug trafficking.

Sa 12 pahinang desisyon ni Taguig City RTC Judge Antonio Olivete ng Branch 267 ang senintensiyahan ay ang akusadong si Joel Tinga, nasa hustong gulang, galamay ng Tinga drug syndicate.

Base sa record ng korte, nadakip si Tinga ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang namumuno pa nito ay si Retired Gen. Dionisio Santiago sa isang entrapment operation na may ilang taon na rin nakalipas at nakumĀ­piska dito ang 10 gramo ng shabu.

Kasama din sa nadakip sina Elisa, Henry, Joana, Fernando, Allan, Carlos, Alberto at Bernardo, pawang ang mga apelyido nito ay Tinga.

Maliban sa habang buhay na pagkakulong ay pinagbabayad din ng hukuman ang akusado ng P500,000 bilang danyos perwisyo.

Inutos rin ng korte na agad ilipat si Tinga sa New Bilibid Prison (NBP) mula sa Taguig City Jail.