Itinodo pa rin nina imports Lindsay Marie Stalzer at Maria Jose Perez, pati ni Victonara Galang ang mga lakas kahit swak na sa No. 2 spot ang F2 Logistics sa napipintong pinid ng 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix prelims Huwebes ng gabi.

Humataw si two-time PSL Most Valuable Player Stalzer ng 13 points mula sa 12 attacks at isang block upang tulungan ang Cargo Movers na ilista ang 25-19, 25-20, 26-24 panalo sa pagdomina sa Cignal HD Spikers sa yugto sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Kumana rin si MJ Perez ng 13 puntos para sa F2 gaya rin ni Galang na nagpatala ng 11-3 card sa pagtapos na kampanya ng kampo sa two-round prelims kung saan na-sweep ang HD Spikers.

Kaya haharaping muli ng Cargo Movers ang No. 7 Tornadoes sa quarterfinals kung saan may twice-to-beat advantage ang una laban sa huli sa event na mga prisintado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project. (Elech Dawa)