Galanza, Creamline sinilaban uli ang Gazz

Binomba ni Jemma Galanza ang PetroGazz para bitbitin ang Creamline sa 25-21, 26-24, 19-25, 25-18 victory upang panatilihing malinis ang kartada sa 13-0 sa 3rd PVL Open Conference 2019 elims Linggo sa Bacolod City.

Nanguna sa paluan si Galanza sa 25 points mula sa likod ng 21 attacks, at tig-2 blocks at service aces para itulak ng defending champion Cool Smashers ang Angels sa 9-4 kahit wala sa laban si injures Alyssa Valdez.
Umagapay si Michele Gumabao ng 16 markers kasama ang 13 excellent digs para pa rin sa Creamline.