Galanza kuko ng Lady Falcons; Lady Spikers binulaga!

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Center)
2:00 p.m. – Ateneo vs UP
4:00 p.m. – UST vs NU

Binulaga ng A­damson University ang defending champion De La Salle University sa apat na sets, 25-18, 15-25, 25-19, 25-22 matapos nilang sandalan sina Jema Galanza at Joy Dacoron kagabi sa 80th UAAP women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Bumangon ang Lady Falcons mula sa two-game skid, dumagit ang Lady Spikers upang daklutin ang 3-3 karta.
Nalasap naman ng three-peat seeking Taft-based squad ang pa­ngalawang talo sa anim na laro.

Bumanat naman sa opensa sina Bernadeth Pons at Tony Rose Basas upang akbayan ang Far Eastern University sa panalo kontra University of the East, 25-20, 25-17, 24-26, 25-22 sa unang laro ng women’s division.

Medyo nagkumahog sa simula ng kanilang kampanya, sinuwag ng Lady Tamaraws ang u­nang back-to-back wins para ilista ang 3-2 karta habang nabaon sa ilalim ng team standings ang Lady Warriors kasama ang 0-6 baraha.

Kasalo ng FEU sa tersero puwesto ang last year’s runner-up Ateneo.

Kahit natalo sa tatlong sets, binigyan ng lady Warriors ng magandang laban ang Lady Tams.

“It’s a good comeback sa amin kasi ga­ling kami sa dalawang talo and hopefully ma-sustain namin hanggang sa dulo ng season,” saad ni FEu coach George Pascua.

Kumana si Pons ng 21 points, lahat galing sa attacks kasama ang 24 digs habang nag-ambag si Celine Domingo ng 19 markers mula sa 11 kills, anim na blocks at dalawang service aces.

May tig 12 puntos naman sina Heather Guino-o at Basas para sa Morayta-based squad.

Sa unang paluan bumanat sa opensa sina Bernadeth Pons at Tony Rose Basas upang akbayan ang Far Eastern University sa panalo kontra University of the East, 25-20, 25-17, 24-26, 25-22.