Galanza, Wong may dagdag sa ‘pamilya’

Mainit ang naging pagtanggap nina women’s indoor volleyball couple Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza at Ma. Deanna Izabella Wong ang bagong parte ng kanilang ‘pamilya’.

Winelcome ng kapwa Philippine Volleyball League stars Galanza (professional) at Wong (collegiate) si Ollie, isang shih tzu na aso, na binigay ng kanilang fans.

Nagsanib pwersa ang members at admins ng Team JeDeanatics Official at ilan pang fans ng “GaWong” para kay Ollie upang mapasaya ang kanilang mga idolong balebolista.

Pasalamat naman nina Galanza, 23, at Wong, 21, ang kanilang fans.

“Meet Ollie! ❤️ Thank you @TJeDeanaticsOFC for this! 😍 Babawi kami after itong COVID-19 na ito,” ng 5-foot-8 libero/setter na si Wong.

Hindi pa nakakapagbukas ang 4th PVL 2020 kung saan naglalaro sa Creamline Coll Smashers ang 5-foot-7 outside hitter na si Galanza, habang nakansela naman ang 2020 University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 noong Marso na rito’y sa Ateneo Lady Eagles kumakampanya si Wong dahil sa COVId-19 kaya parehong tengga ang dalawang volleybelle. (Janie Abby Toralba)