Galaw-galaw para hindi pumanaw

Pahapyaw lang sa sports ang akin pong kolum ngayon mga giliw naming mambabasa.

Nasa ika-35 araw na po tayo ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon at iba pang panig ng bansa bilang hakbang ng pamahalaan na mapigilan ang coronavirus disease 2019 pandemic.

Habang tumatagal gaya ninyo inip na rin ako sa lockdown.

Pero huwag po tayong paapekto. Tayo rin ang kawawa kapag nagpaaketo tayo.

Isang mabisang payo ko oi sa inyo riyan ang pag-eehersisyo pagkagising natin sa umaga upang patuloy na maging masigla ang ating katawan.

Araw-arawin natin ito para mas epektibo o mabisa na maging kondisyon o mabuti ang ating kalusugan. Siyempre kailangan din nating matulog ng walo o higit pang oras sa gabi, kumain nang masusustansiyang pagkain lalo na ng mga prutas at gulay. Uminom din palagi nang sapat na tubig sa maghapon.

Marami na pong makikitang iba’t ibang exercise sa Google sa FB at sa iba pang socmed applications. Hanap lang po tayo.

Para sa mga beginner, huwag po nating sagarin agad. Pautay-utay lang bawat araw o ever other day lang kung busy rin tayo sa iba’t ibang gawain.

Mahalaga po ang pag-e-exercise. Ako po na work from home kundi man magawa daily ay sa salitang araw. Sana kayo rin, tayong lahat.

Simulan po natin sa basic at mas maigsing oras muna tapos level up na lang tayo sa mga susunod na araw hanggang sa tumagal na tayo at makagawian na natin o routine na ito.

Ang mga atleta bago, ang iba bago at tapos ng training nila nag-eehersisyo rin. Tayo pa kaya?

Sabi nga nila, galaw-galaw para hindi pumanaw.

***

Kung gusto po ninyong magkomento o may nais kayong itanong, i-email lang po ninyo ako sa ramilcruz2003@gmail.com, ramilcruz2003@yahoo.com.

Idalangin po nating lahat na matapos na po ang COVID-19. Ingat po tayong lahat.

Hanggang sa susunod pong Martes mga Ka-Abante TONITE.