Ipinagbabawal ng Philippine Airlines (PAL) ang paggamit o pag-charge ng Samsung Galaxy Note 7 devices habang nasa loob ng mga eroplano nito.
Ayon sa corporate communication ng PAL, sinimulan ang pagbabawal sa paggamit ng Samsung Galaxy Note 7 noong Setyembre 9, 2016 alinsunod sa direktiba ng International Air transport Association (IATA)
Ang IATA directives ay nag-ugat mula sa recall order ng Samsung Electronics Company Limited, ng matuklasan na ang baterya at phone units ng Galaxy Note 7 ay nag-aapoy habang ito ay tsina-charge kaya ipinag-utos ng manufacturer nito na i-recall ang lahat ng units na naibenta worlwide.
Nabatid pa na ang cellphone ay hindi papayagang “checked-in items” ng pasahero subalit ito ay maaaring payagang i-hand carried kung ito ay laging naka-switch off sa lahat ng oras.
Hindi rin papayagan ng PAL ang lahat ng Samsung Galaxy Note 7 maging luma man o brandnew sa cargo shipment nito.