Tiyak na magkakandarapa ang mga racing aficionados sa paghahagilap muli ng mga mananalo sa WTA sa darating na Huwebes sa MetroTurf dahil na rin sa carry-over na mahigit P600,000.

No winner kasi ang second set ng WTA nitong Linggo kaya nagkaroon ng carry-over.

Bumagsak sa huling karera ang mga natitirang ‘live’ pagkapanalo ni Limbo’s Pet na sinakyan ng apprentice na si DB Santiago.

Dehado ang nagpasimula ng second set na si Newton’s Gal kung saan nagtapos naman ang first set ng WTA na nagresulta ng one winner lang.

Kahapon, may nagbalita sa Abante Tonite na kinubra nung solo winner naman sa second set ng Pick-5 ang kanyang tinamaan doon mismo sa opisina ng Metro Manila Turf Club sa Mandaluyong City.

Ang nakamamangha dito ay ‘galing o suwerte’ ng nasabing solo winner na namuhunan lang P78!

Ibinulong pa ng nagbalita na dapat umanong tamaan din niya yung Pick-6, na walang naka-perfect kung kaya’t nagkaroon din ng carry-over. Ang siste ay medyo nalakihan siya sa puhunan kaya kinapos at pinili na lang niyang tumaya sa sumu­nod na Pick-5.

Perfect siya ng makuha niya ang dehadong Silver Champ, llamadong sina Blue Berry at Sec­ret Affair, at dehado ulit na sina Wise Decision at Limbo’s Pet.