Galit ni Duterte sa 2 water firm ‘di humuhupa

Hindi pa rin natitinag ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ­kaugnay sa water concession agreements sa pagitan ng ­Manila Water at Maynilad.

“Hindi naman nababago ang posisyon ni ­Presidente. Ayaw niya ang ginawang kontrata ng mga concessionaire ,” Presidential Spokesperson ­Salvador Panelo.

“Para sa kanya, ‘yung ginawa nila ay hindi ­lamang labag sa interes ng bayan, labag sa Saligang Batas. Kaya kinakailangang magkaroon ng ­pagbabago,” aninpa ni Panelo.

Hindi naman ­idinetalye pa ni Panelo ang mga ­posibleng pagbabago na gagawin ni Duterte.

Tiniyak lamang ni Pa­nelo na hindi papayag si Pa­ngulong Duterte na kumita ng malaki ang dalawang water concessionaire sa kanilang mga consumer.

“Hindi siya papayag habang nakaupo siya na i-agrabyado nila ang ating mga kababayan,” dagdag pa ni Panelo.

Nabatid na noong Huwebes sinabi ni Panelo na magkakaroon ng major announcement si Duterte kaugnay sa onerous contract sa pagitqn ng gobyerno at dalawang water concessionaire sa Enero 6.

“Tignan natin. Hintayin na lang natin ,” ani Panelo.

Nabatid na nairita si Duterte matapos na magpalabas ng desisyon ang Singapore-based Permanent Court of Arbitration’s separate rulings, na nag-aatas sa gobyerno na magbayad ng P3.4 bilyon sa Maynilad at PHP7.39 bilyon sa Manila Water dahil sa nawalang kita dahil da hinarang na water hike ng gobyerno. (Juliet de Loza-Cudia)