Bilang na ang araw ng mga bigtime gambling lords sa bansa.
Ito ay matapos ihayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na ikinakasa na nila ang kampanya kontra illegal gambling na isa rin sa problemang kinakaharap ng bansa.
Ayon kay Director General Francisco Uyami, deputy chief for Administration ng PNP, isusunod ding isalang sa Oplan Tokhang ang mga gambling lords at operators ng iligal na pasugalan partikular ang jueteng sa susunod na taon.
Pero sinabi ni Uyami na ang kampanyang ito ay inasahang hindi magiging madugo kumpara sa ipinaiiral na oplan double barrel para sa mga sangkot sa iligal na droga.
Dahil dito, ngayon pa lamang ay binalaan na ng PNP ang mga tiwaling pulis na sangkot sa operasyon ng iligal na sugal.
Base sa nakalap na impormasyon, patuloy ang pamamayagpag ng operasyon ng mga sugal gaya ng jueteng, video karera, lotteng, bookies, karera, tupada at maging ng mga peryahan.
Ang tagal naman. Unahin ninyo ang mga Pineda ng Pampanga na dekada nang hawak ang jueteng doon. Tapos etong si Atong Ang tuloy pa rin ang racket.
E1 ko lang cge kapag nawala ang weteng maniniwala ako na nasugpo nila e2 unahin nga nila sa pampanga pagkakaalam ko iisa lang ang may hawak n2.
Siyanga,,lagi ganito,,tapos maya maya lang balik na naman sa dati,,,mga pulis 50 pesos pinapatulan lingo lingo lagay ng mga video karera….
UNAHIN YUNG GOV SA PAMPANGA!