Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — Mahindra vs. TNT
7:00 p.m. — Phoenix vs. NLEX
Hindi pa nakakarating sa playoffs ang Mahindra, lalo sa isang championship game.
Maglalaro na parang walang bukas ang Enforcer sa pakikipagtipan sa unbeaten TNT KaTropa mamaya sa PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Sa nightcap ay unahang makabalik sa win-column ang Phoenix at NLEX.
Tangkang kontakin ng TNT ang pampitong sunod na panalo, samantalang ipagdidiinan naman ng Mahindra na contender na nga sila kapag nasilat ang KaTropa at sumampa sa solo-second.
Noong Miyerkules ay sinapawan ng San Miguel Beer ang Alaska, 106-103, para makibuhol sa Mahindra at Ginebra sa second sa pare-parehong 5-3 baraha.
Ang Mahindra at TNT, puro stops ang game plan. Pipigilin ng bawat isa ang arsenal ng kabila. Magiging game of stops ang match.
“They are a tough team to beat,” lahad ni TNT coach Jong Uichico sa makakatapat.
Defensive stops din ang pagtutuunan ng pansin ng Enforcer para makasabay sa KaTropa.
“We will need a championship effort on defense if we are to overcome TNT’s dynamic team,” diin ni Chris Gavina, chief assistant ni player-coach Manny Pacquiao sa Mahindra.
Problema ng Enforcer kung paano pipigilin si Jayson Castro na nag-a-average ng league-high 7.67 assists palamuti sa 18.3 points at 4.67 rebounds per game. Isa pa si Ranidel de Ocampo (13.3 points, 6.67 rebounds), at TNT imports Mychal Lemar Ammons at Michael Madanly na handang pumutok. Sa 124-117 win ng KaTropa kontra Phoenix noong Biyernes, nagpasabog si Madanly ng 30 points mula sa 8 for 13 shooting sa labas ng 3-point line.
Minarkahan ni Uichico si Mahindra import James White na halos 27 points at 14 rebounds ang nililista bawat outing.