Game sa wife sharing?

Huling labas

Dear Mon: (Huling bahagi ng sagot sa sulat na u­nang pinublish noong Agosto 23)
Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublis­h ng buo noong nakaraang Martes, Agosto 23.

Sa hu­ling kolum natin noong nakaraang Huwebes, Agosto 25, sinabi ko na ang iyong iba’t ibang mga pantasyang sekswal ay may isang bahaging pangkaraniwan (common in all of them). ‘Yan ay ang asawa mo ay nakikipagsi­ping sa ibang lalaki at ikaw ay nanonood.

Ang dahilan na binigay mo ay maliit ang ari mo kaya gusto mong makaranas naman ang asawa mo na makipagsiping sa lalaking may malaking ari.

Pero palagay ko may mas malalim na dahilan para rito. Hindi ibig sabihin masama ang dahilan pero wala akong duda na ang binigay mong dahilan  na ito ay para lamang sa asawa mo  ay kulang pa.

OK lang ‘yun. Hindi ko sinasabing kailangang mong kalkalin ang buhay mo para makarating ka sa katotohanan  hindi tungkol sa bagay na ito.

Mayroong mga isyu na kailangang mo talagang kalkalin pero ito ay mga isyu na may mas malaking tama (impact) sa buhay mo; halimbawa, ang malaki mong galit sa mga magulang mo, atbp.

Inaasahan ko na nakatulong ako sa iyo, dearest Mon. Ingat at best wishes.
— MG Holmes

Minamahal kong tagabasa:

Ito ang aking huling kolum para sa Abante TONITE. Sana, iilan sa inyo ay mami-miss sa ako, kagaya ng pagka-miss ko sa inyong lahat 🙂

Maraming beses na ang mga sagot ko sa inyo ay mahaba  mas mahaba sa ibang mga advice ng columnist sa ibang mga dyaryo.

Maraming beses ay binibigyan ko pa ng “background” ang aking mga sagot para lalo ninyong maintindihan ang ugat ng inyong mga problema.

Minsan rin, binibigay ko sa inyo ang mga dahilang sikolohikal kung bakit mas maigi siguro gawin ang aksyon A kaysa sa aksyon B.

‘Yan ay dahil hindi ako interesadong magbigay ng solusyon sa inyo. Ang gusto ko sana ay maintindihan ninyo ang mga dahilan na nangyari sa mga nangyayari sa buhay ninyo, para, kapag wala na ako (kagaya ng pagkatapos ng araw na ito), kaya pa rin ninyong ma-ana­lyse ang inyong mga problema.

Kapag magawa ninyo ito, malaki ang probabilidad na makakayanan rin ninyong maghanap ng mga solusyon para rito.

Marami akong natutunan sa ating pagsasama at na­ging malapit at mahalaga sa akin ang ating relasyon. Peks man, walang bola. Ingat — MG Holmes
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sulatan siya sa kaniyang website www.margaritaholmes.com. I-LIKE mo rin siya Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes.