Narekober ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang bag na puno ng gamit sa paggawa ng bomba sa isang bahay sa Barangay 648 Zone 67 sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay MPD Director Joel Coronel, pinasok ng mga operatiba ang bahay dahil sa tip ng isang residente na may nangungupahang kahina-hinala.

Pinasok ng mga pulis ang bahay pero walang tao, kundi isang bag lang na puno ng sangkap at gamit sa paggawa ng bomba at baril ang nakita.

Hindi pa tiyak kung sino ang may-ari ng nasabing bahay na nasa tabi ng basketball court malapit sa Muslim Center.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nabanggit na bahay at kung may kaugnayan ito sa Quiapo blast noong noong Abril 28 na ikinasugat ng 13 katao.

Tumanggi muna si Chief Inspector Rosalino Ibay na magbigay ng dagdag na impormasyon.

One Response