Papayagan lamang na maibenta sa merkado ng Pilipinas ang isang antiviral drug na una nang pinayagan ng China na gamiting panlaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang bansa kapag inaprubahan ito ng World Health Organization (WHO) at Food and Drug Administration (FDA).
Una nang inaprubahan ng China ang produksiyon at pagbebenta ng Favilavir na sinasabing antiviral drug kontra COVID-19.
Gayunman, sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na bago tuluyang makapasok at maipagbili sa Pilipinas ay kailangan muna ng naturang gamot na dumaan sa proseso, maaprubahan ng WHO at FDA at pumasa sa ipinatutupad na pamantayan ng mga ito. (Juliet de Loza-Cudia)