Gamot sa Covid-19 posibleng nasa Pilipinas

Nananawagan sa pamahalaan ang isang pamilya ng kilalang manggagamot sa Zambales na bigyang pagkakataon at isailalim sa pagsubok ang kanilang gamot na umano ay malaking potensyal laban sa COVID-19.

Ang panawagan ay ginawa ni Dr. Willie Fabunan, kinatawan ng kilalang pamilya ng mga manggagamot sa Zambales na nagpagaling ng mga pasyente na may dengue, chikungunya, dog bite, snake bites, at HIV/AIDS gamit ang kanilang anti-viral injection, na kombinasyon ng mga gamot na nabibili over-the-counter ng mga drug store .

Ngayon tila hindi masawata ang pagkalat ng Covid-19, iniaalok ng pamilya Fabuan sa pamahalaan upang isailalim sa pagsubok ang kanilang pormulang gamot na pinangalanang Prodex-B na sinasabing panlaban sa coronavirus

Sa katunayan umano, sumulat na sila at umapela sa DOH para sa agarang testing ng Prodex-B Anti Viral Against Covid 19, ngunit nananatiling wala pa ring aksyon dito ang kagawaran.

Gayunman, noong Marso 20, inihayag ng MILRET ng St. Luke’s Medical Center na Prodex-B “has shown promising anti-dengue virus activity of the drug as shown by the ‘significant reduction in the virus quantity after treatment with the drug cocktail.”

Kaugnay nito, sina Doctor Dave Navarro at Nathaniel Nacional ay naniniwala na ang Prodex-B ay posibleng sagot sa COVID-19 virus na ang sintomas ay katulad ng `severe acute respiratory syndrome corona virus 2’ (SARS-CoV-2), kung saan ay napakaepektibo ng Prodex-B. (Randy Datu)