TV & NEWS personality, binu-bully ang kasamahan na namamayagpag dahil sa angking ganda at ga­ling.

Inggit si ate dahil dumami ang connections ni gandara kaya madalas itong nai-invite .

Si inggitera, nga­nga.

Pinapaboran din ng kanilang boss si gandara dahil sa kasipagan nito.

‘Tsurang gisingin si gandara nang madaling-araw, waaah siya tanggi.

Work! Work! Work nang nakangiti si gandara. Kahit sa mala­yong lugar, gorabel siya.

Go! Go! Go!

Hindi kagaya ng nagmamagandang TV & news personality, nagsisimangot at tumatanggi dahil waaah pa raw siya tulog.

Pag napipilitan si nagmamaganda, gumogora siya pero natutulog sa van at inuutusan ang cameraman & assistant nito na sila na lang ang kumuha at mag-interview.

Antok pa kasi si atti (as in attitude) at matutulog na lang siya sa service car.

Pinipitik din ni ateng nagmamaganda ang budget sa food.

Kaya ang kawa­wang cameraman, assistant & driver, nagkakanya-kanyang gastos na lang.

May pangyayari pa na iniiwan ni ateng nagmamaganda ang grupo niya dahil babalik siya sa pagtulog sa bahay nila.

To the rescue si gandara!

Kahit binu-bully ni nagmamaganda, pinagtatakpan pa ito ni gandara sa management.

Kaya may nag-alok kay gandara na lumipat sa kanilang tv station, na gustong tanggapin ni gandara.

Abangan!