Nalubog sa tubig-baha ang labing limang barangay sa lungsod ng Olongapo dahil sa walang tigil na ulan kagabi bunsod ng pinagsamang thunderstorm at habagat sa apat na lalawigan sa Central Luzon partikular sa bayan ng Zambales.
Nagmistula umanong ‘waterworld’ ang lungsod dahil sa abot-beywang na tubig baha sa mga mababang lugar ng Acacia St., Sta. Rita Village, at Elicano St. Halos hindi na madaanan ng mga pampasaherong dyip ang ilang area sa main road ng Rizal Avenue dahilan upang ma-stranded ang ilang commuters.
Samantala, dalawang landslide naman ang naitala ng City Disaster Risk Reduction & Management Council (DRRMC) sa Brgy. Kalaklan na nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko matapos isara sa mga motorista, wala namang naitalang nasaktan sa Brgy. Mabayuhan sa naganap na landslide.