Sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque sisiyapol ang huling ‘Big Event’ ng 2018-2019 cock season, ang “Hatawan Sa Tag-Ulan 5-Cock Derby” ngayong Huwebes, July 25.
Tapos ng 3-stag elims mamayang alas-4:00 ng hapon, maghahanda ang mga qualifier sa final round sa August 1 at 8.
Pinahayag nitong Miyerkoles ni RMC CEO Dennis Ligon, na puwede ang straight five cocks sa Aug. 8 grand finals.
“For ‘straight five’ participants, entry fee is still P11,000 and minimum bet, P5,500,” hirit ni Ligon.
May 30 kalahok pa lamang ang mga umiskor ng tig-gatlong mga panalo para sa grand finals.
Sa mga pumuntos ng 1, 1.5, 2 at 2.5, ang 2-cock finals ay sa Aug. 1 kung saan P400,000 ang bonus prize sa iiskor ng dalawa pang panalo.
“The champions stand to receive a guaranteed prize of P5 million. The champion handler gets P100,000 and gaffer, P70,000,” wakas ni Ligon. (Enjel Manato)