Kasado na ang inaabangang 2019 BNTVCup 5-Stag National Bullstag Derby mamaya para sa una sa siyam na 2-bullstag eliminations sa Metro Darasa Cockpit sa Batangas.
Garantisadong premyo ang P1-milyon o higit pa, sa maliit na entry fee na P5,500 at minimum bet na P3,300 na pasabong.
Pwede rin ang mga tinale na na-band noong nakaraang taon na BNTV Cup, mga early bird, pati na ang local at national banded bullstagsna tumitimbang nga lang ng mula 1.800 hanggang 2.200 kgs.
Larga ang 3-bullstag finals sa Smart Araneta Coliseum sa Abril 2 sa mga pagtataguyod ng PAGCOR, Thunderbird Platinum, Bmeg Integra, Minami, Las Piñas Coliseum at LDI.
Nakatakda ang iba pang 2-bullstag eliminations ay sa Sta. Barbara Coliseum sa Pangasinan sa Mar. 14; Beddeng Cockpit sa Vigan City sa Mar. 16; Little Coliseum sa San Pablo City sa Mar. 17; Texas Cockpit Arena sa Rizal sa Mar. 19; San Roque Cockpit Arena sa Bulacan sa Mar. 19; Bacolor Cockpit sa Pampanga sa Mar. 22; San Nicolas Cockpit sa Ilocos Norte sa Mar. 23 at Imus Sports Arena sa Cavite sa Mar. 26.