Garantisadong P750K sa paderbi ni Ranon

Dadako sa Pasay City Cockpit ang bigtime sabong ng Metro Manila sa “SC Man Dupax 5-Stag Derby” ngayon, Huwebes kung saan inaasahan ang 100 sultada.

Garantisado ang P750,000 sa paderbing ito ni gamefowl breeder Norman Ranon ng Nueva Viscaya at may suporta ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

May 59 entries ang pasabong ni Ranon sa Pasay Cockpit noong 2017.
Namumuro naman ang 150 sultada sa Lunes, Nov. 25 sa “Sandy and Palito Big Event 6-Stag Derby”.

Sa Nob. 28 ang laban ng mga Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) members sa “PFGB Digmaan 11-Stag National Derby” (3-stag elims).
Agad na isusunod sa Nov. 29 ang “Frankie and Friends 5-Stag Derby”.
Sa detalye: 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)