Garcia inilusot ang Phoenix ns RoS

STANDINGS

TEAMS W L

TALK ‘N Text 5 0

San Miguel Beer 3 0

NLEX 4 1

Meralco 3 1

Magnolia 3 1

Columbian 2 2

Phoenix 2 4

Barangay Ginebra 1 2

Blackwater 1 2

Rain or Shine 1 4

NorthPort 1 4

Alaska Milk 0 5

Mga laro bukas: (MOA Arena, Pasay)

4:30 pm – Columbian vs Blackwater

7:00 pm – Magnolia vs San Miguel Beer

Nakawala ang bagong rekrut ng Phoenix Pulse na si RR Garcia sa krusyal na halos dalawang segundo upang ipasok ang pampanalong basket kontra Rain or Shine, 86-84, sa 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup eliminations main game Miyerkoles ng gabi sa sa Cuneta Astrodome, Pasay.

Perpektong nasalo ni Garcia, kinuha ng Fuelmasters bago magsimula ang torneo, ang pasa ni import Eugene Phelps at ‘di na ibinaba tungo sa pagpasok sa ilalim ng basket ng kinakailangang puntos sa 0.2 segundo sa laro.

Pinamunuan ni Phelps ang Fuelmasters sa 19 points, 20 rebounds, 7 assists, 2 steal at 5 blocks habang nagambag si RJ Jazul ng 15 pts., 2 rebs. at isang ast. habang si Garcia ay may 14 puntos, 2 rebounds, 3 assists, isang steal at isang block.

Angat ang gasolina sa 2-4 para sa seventh spot, sinalya ang RoS sa 1-4 para saluhan sa ika-10 puwesto anmg NorthPort.

Itinabla muna ni Javee Mocon ng Elasto Painters ang laro sa natitrang 1.8 segundo bago na lamang ang kabayanihan ni Garcia.

Itinala ng Fuelmasters ang pinakamalaking abante na 11 puntos sa 8:48 minuto ng ikalawang yugto, 34-23, mula kay Jorey Napoles.

Ilang beses nakatabla Elasto Painters, pero nakalamang sa kabuuan ng laro.