Doon din sa Ang Probinsyano concert ay nakunan ng pahayag si Gary Valenciano tungkol sa hiwalayan nina Gab Valenciano at Tricia Centenera.

Si Gary V ang kumanta ng sikat na theme song na Wag Ka Nang Umiyak na ginamit pa sa kung saan-saang hugot video at kahit mga bata ay alam na alam ang kanta.

Hindi naiwasan ni Gary na hingan ng pahayag tungkol sa nangyari kina Gab at Tricia.

“I am affected because they’re my children. Flesh and blood ko si Gabriel and I love Tricia very very much,” sey ni Gary V.

“Siyempre, dahil sa napakagrande ng kanilang kasal, tapos eto ‘yung mga nangyayari.

“The thing is I always believe that no­thing is impossible with God, and kung ako buhay pa after 38 years of being a diabetic, siguro puwede pang mabuhay at maiwan na masigla at nabubuhay pa rin ang marriage nila.”

Nandiyan pa rin ang pagmamahal niya kay Tricia bilang daughter-in law niya.

Ayaw na lang niyang magsalita pa ng tungkol sa ilang detalye ng hiwalayan dahil mas ma­buting nasa pamilya na lang ito.

“I think every family goes to it, and we’re handling it as a family.
“I’m very close to Tricia. Tricia is always going to be my daughter.

“‘Yung ano lang, me­ron lang talaga silang mga pinagdaanan. But I would like to tell the people. Just like all of you watching, there are things na you would keep within the family, because that’s the only way it can be solved, within the family.

“So, I keep it that way.”

Nag-react din siya sa natsitsismis na may third party involved kaya hiniwalayan ni Tricia si Gab.

Saad ni Gary, “There is always be a third party will come out because Gab is naturally friendly kind of person.

“So, ‘pag medyo mainit na ‘yung mga pinag-usapan, kahit maging mabait siya kahit konti sa mga babae, lagi siyang nali-link, and I don’t think that’s the case.

“There are still things of course that we’re talking about, and hopefully in the course of time, makikita rin ng mga tao ang katotohanan.”

***

Susan Roces at Coco Martin
Susan Roces at Coco Martin

ANG saya ni Coco Martin sa Ang Probinsyano: Isang Pamilya Tayo anniversary concert nila kamakalawa sa Araneta Coliseum.

Sabi ni Coco, feeling niya eh nag-concert lang siya at malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng sumuporta sa kanila.

“Sobrang sarap po ng pakiramdam,” pakli ng Kapamilya Primetime King.

“At least, nakapagpasalamat kami sa kanila nang personal sa lahat ng suporta nila sa loob ng isang taon. Sana, mas mahaba pa ang pagsamahan namin.”

Syempre pa, todo pa-salamat pa rin si Coco sa ‘lola’ niyang si Susan Roces.
Maraming sorpresa ang dapat abangan sa Ang Probinsyano.

Bela Padilla
Bela Padilla

Bumalik na si Bela Padilla sa naturang serye.

Sa anniversary concert pa lang eh nagbabadya ang pasabog ni Bela, huh?!

Hindi lang ma-reveal pa ni Coco kung anu-ano ang mga susunod na magaganap. Basta, aba­ngan na lang. At least, masaya silang nagkita-kita doon sa concert.

“Sa totoo lang, nami-miss namin ang isa’t isa,” masayang pahayag ni Coco.