NAGSALITA ang magkapatid na Paolo at Kiana Valenciano kaugnay sa pamba-bash sa huli ng JaDine fans.
Nagtataka lang si Kiana, bakit nagagalit itong fans ng JaDine kung nakikitang magkasama sila.
Noon pa man ay barkada na ni Kiana sina James, Sam Concepcion at pati na rin si Nadine.
Nakakalungkot daw na pati pamilya nila ay nadadamay. Ang ilang bashers ay idinadamay pa ang mommy nila.
Ani ni Kiana, “Mahirap kasi, nagagalit sila na magkaibigan kami. To me, I think I have comfort from my friends.
“Feel ko kasi hindi nari-realize ng tao na kapag may nagba-bash… magkaibigan kami.
“We’re gonna show each other… look what they said. It’s natural, we’re friends.
“At first, na-hurt ako na parang wow, there are people like this in the world na ganun ka-negative ang lumalabas talaga.
“But you know what, Sam, Lauren and James, Nadine especially, instilled on me that these people really don’t know who I am as a person.
“They’ve never met me. So, why shoud I let the things they say about me affect me? They’re talking about no one.”
Pahayag ni Paolo, “Everything they’re saying says more about them than us, eh. Something that constantly I have to tell myself na parang everything you’re saying is not true.
“So, why should I get hurt?
“I’ve read they’ve said about my mom, but it’s not true, eh. So, parang jokes on you, not on us. It’s your loss, not ours.”
Sabi pa nito, “These are wise words from Bamboo, what he told me before. He said, kung naba-bash ka, that means you’re doing something right.
“He said that to me and after that I said, okay.
“When I see things online about her, about my brother, that means… kahit anong gawin mo, maba-bash ka, eh.
“So, just have to live with it. Kahit anong gawin mo talaga, maba-bash ka eh.”
Kahit si Gary Valenciano mismo ay nag-react na rin para sa kanyang mga anak. Pero iba ang pagkakaalam niya.
Sabi ni Mr. Pure Energy. “Alam ko, magkabarkada silang lahat eh. Nalaman ko naman na ang nagba-bash pala sa kanila ay nagpapanggap na fan ng JaDine, pero actually, ang ginagawa niya, para mapapangit lang ang reputasyon ng fans ng JaDine.
“Ako naman, like I said, I don’t judge people. May dahilan bakit bina-bash si Kiana.
“But my concern was Kiana. Nagbigay lang ako ng konting encouraging words.
“Okay naman si Kiana. Siyempre, masasaktan siya. Sino ba naman ang hindi?
“Malamang yung nagba-bash ay nasasaktan din dati, kaya nagba-bash naman siya ngayon. So, I have to understand that.”
Pinapayuhan na lang niya ang kanyang anak na ipagpasa-Diyos na ang lahat at intindihin kung bakit nangyayari ito.
Dagdag na pahayag ni Gary; “Ako naman, dahil sa dinaanan ko nung 2009, 2010, sinabi ko sa kanya, ‘Alam mo, Kiana, kung sino ang nagde-define sa ‘yo, hindi ‘yung sinasabi ng tao.
Lalong-lalo na ‘yung mga bashers.’
“Always go back to kung sino man ang talagang nagmamahal sa ‘yo unconditionally.
“Kasi, madali naman tayo mag-love, di ba? Pero oras na ilagay mo ‘yung unconditional before the word love, diyan tayo magkakatalo.
“But only the God loves unconditionally. That’s why I told her, ‘Look at what God has to say about you, kasi kahit anong mangyari sa buhay mo, kahit matanda ka na, ganu’n pa rin ang tingin sa yo ng Lord,’ and that’s what I always tell her.”
***
Kapag si Gary na ang magsasalita ay nagiging mahinahon ka dahil siguro isa iyun sa gifts na ibinigay sa kanya ng Diyos.
Naalala pa naming nabanggit noon ni Lorna Tolentino na kapag si Gary na ang nagsasalita sa kanya, parang anghel ang tingin niya rito.
Kahit nagsi-celebrate si Gary ng 34th anniversary niya sa music industry, bongga pa rin ang energy niya.