Gaston graduate na sa loob ng tahanan

Naging emosyunal si University Athletic Association of the Philippies (UAAP) star si Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston matapos ganapin ang ‘graduation ceremony’ sa loob ng kanilang bahay.

Dahil sa coronavirus pandemic 2019, nahinto ang face to face classes sa mga paaralan dagdag pa ang pagkansela sa UAAP Season 82 Women’s Indoor Volleyball Tournament noong Marso.

“Amidst all the anxiety and ‘would haves’ or ‘could hives’ caused by the on-going pandemic, I still carry a grateful heart and hold on to hope that better days will come, ” namutawi kahapon sa Ateneo Lady Eagles graduating player sa kanyang Instagram account.

Ipinaskil din 22-year-old, 5-foot-10 team skipper-middle hitter, ang mga nakasanayan ginanagawa sa paaralan bago pa dumating ang COVID-19 pandemic, at pinasalamatan kanyang alma mater, mga kaibigan, magulang, coaches at Lady Eagles teammates.

“I will cherish forever the memories I made in this school. I am very thankful that I got to play and represent the Ateneo in the sport I love so much. One Big Fight!” panapos ni Gaston. (Janiel Abby Toralba)