Nakatakdang silipin ni Sen. Grace Poe ang ginastos ng gobyerno sa mga biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa abroad, lalo na ang pinakahuling biyahe nito sa Russia kung saan nagbitbit umano ng kaanak ang ilang Cabinet officials.

Ayon kay Poe, chair ng Senate committee on public information and mass media, hindi maganda sa mata ng publiko na makita ang mga opisyales ng gobyerno na kasama ang pamilya sa isang official trip ng Pangulo, lalo na’t ang naging pangako nila noong kampanya ay ‘change is coming’.

“Defense secretary was there, almost everybody was there. In fact in social media, I think that go­vernment officials should be a little bit careful.

The chief of police had photos being shown, when he was travelling at that time. But I think that it doesn’t give a good signal to our countrymen, when now, change is supposed to have come,” diin ng senadora.

Nangako pa si Poe na sa darating na pagdinig sa panukalang budget ng bawat ahensiya ng gobyerno ay iimbestigahan niya kung magkano ang ginastos ng gobyerno sa biyahe sa Russia at kung kasama sa ginastusan ang kanilang pamilya.

Wala sa listahan ng official delegation sina PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, AFP chief of staff Eduardo Año at Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Mocha Uson pero sumabit din sila sa biyahe.

Maging ang partner ni PDu30 na si Honeylettat anak na si Kitty ay sumama gayundin ang anak sa unang asawa na si Baste.

8 Responses

  1. pwede pa naman daw mag utang ng mag utang sa china kaya ok lang na magdala ng marami sa mga state visit..hindi naman sariling pera ang ginagastos kundi pera ng mga taxpayer kaya ok lang na waldasin ng waldasin..tama si senator change scamming na nga.

  2. group tour ang tawag nila dun hihihi……. imagine kasama si moka usun, basti dutirti, si robin padilla yata kasama rin……… sige gastusin ang pera! total dami naman maauutangan

  3. MALAKI KSE “UTANG NA LOOB” SA KANILA NG AMO NAMING MAY SAYAD SA ULO – KAYA ‘REWARDS’ NA LANG NI DIGONG SA KANILA YUN TRIP NA YUN – SABI NGA NI DIGONG EH TUTAL PERA NAMAN NG BAYAN YUNG GINASTOS SA KANILA KAYA AYOS LANG DAW ‘YUN HAHAHAHAHA HEHEHEHEHE

  4. madami kasing gustong sumawsaw na rin sa mga official visit na wala namang role tungkol sa pag uusapan, para makalibre sa pamasahe at makapag sigh seeing , bka kasama na na rin and food and accomodation na bayad ng tax payer na nalilibing sa mga taas ng mga bilihin..
    tsk tsk.wawa nmn ang pinas winawaldas lang ng ganun nlng…change scamming na nga

  5. Ubusin ang pondo ng bayan to the max,Kabi kabila ang utang ng gobyerno,negative na sa panahon ni GMA nag positive lang s panahon ni pinoy,,,kawawa na nman kaming mga taxpayer