Bukas na ulit ang emergency room ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo matapos itong isara noong Martes nang gabi dahil sa hinihinalang kaso ng pasyenteng may meningococcemia.

 

Sinabi ni GABMMC Director Dr. Luisa Aquino na nilinis at isinailalim nila sa deconta­mination ang ER ng ospital sa loob ng 24 oras para matiyak na hindi kakalat ang bacteria na dala nito sa ibang pas­yente.

 

Samantala, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na aabutin ng lima hanggang pitong araw bago ma­laman ang resulta sa ginawang pagsusuri sa 55-anyos na pasyente kung meningococcemia ang sakit nito.